Ako, si Catherine Mones Y Gonzales, isang magnanakaw?!!
Eto ang kwento:Nag-ukay kame nila Kaye at Ate Rhea kanina.tapos nagsukat ako. At ankapulot ng cellphone sa fitting room. Di ko alam kung anong unit xa pero un ung rubber ung keypad na parang 1100 tapos may flashlight. Although may kutob na ko na ung naunang nagsukat ang may ari, hindi parin ako nagsalita dahil baka pag nagtanong ako, may umepal at mang-angkin at magkunwaring sila may-ari nung phone. Kaya nanahimik nalang ako. Sabi ko hihintayin ko nalang magtext ung may ari dahil siguradong magtetext yun. Sa sobrang tagal nainip na kami kaya umuwi na kmi. Alam ko naman sa sarili kong ibabalik ko ung phone e.Sakto, pag uwi ko nagriring ung phone. Di ko sinagot kagad, kinabahan ako ng di ko lam kung bakit. Tapos may nagtext, eto sabi sakin: “pwede pakibalik ung phone ko? Alam kong ikaw ang ‘kumuha’, yung kasunod kong nagsukat”Pinabasa ko sa ate ko. Tapos biglang tumawag na ulet. Balikan ko daw sila dun s aukayan at ibalik ko ung cp.naimbyerna ata ate ko, kaya nireplyan nya ng ganito: “Hoy ang kapal ng mkuha mo hindi ko pag-iinteresan yang phone mo! I have three phones already if you must know! Kung gusto mo ikaw pumunta dito! Wag ka maxadong maangas, ikaw ang may kailangan. baka mairita ko syao ipamigay ko tong phone mo! Pag naubos tong load mo bahala ka sa buhay mo!”Tapos tinext ko ulit, sabi ko: “Ikaw pumunta dito, may gnagawa ako. malapit lang bahay ko, dito mo kunin ung phone, nakauwi na ko e. sabihin mo raymond Bus terminal, katabi nun bahay namin, sa legarda ako. SK ako dito, kahit ipagtanong mo pa”Ang hayup sabay reply: “Imposible namang nakauwi kna kagad, kakaalis nyo lang!”Pero wala rig magawa ang maepla na babae kundi pumunta sa bahay namin.Tapos nagtext xa, nandun na daw sa sa bus station. Kinawayan ko sya. Sinutsutan ko. At imbis na magpasalamat, eto ang bungad nya sakin: “Ikaw alam mo ng ako yung may ari, hindi mo pa kagad sinoli nung nakita mo sa fitting room!”.Nagdilim ang paningin ko, kaya sinaksak ko xa…JOKE. Kaya eto ang napala nyang speech sakin:” Mawalang-galang na ho. Alam kong mas matanda kayo sakin pero nakakawalang-galang kayo. Kaya hindi ko po kagad sinoli dahil baka may ibang umangkin nung phone. At pangalawa, sa halip na sumbatan nyo ko, e dapat siguro nagpapasalamat kayo skain dahil binalik ko yang phone nyo! Ano namang gagawin ko jan? Pamato sa piko?! Ganda kaya ng phone ko! Kung makaasta kayo parang 3G o iphone yang phone nyo! Dapat ng magpasalamat kayo dahil binalik ko. dahil kung pinag-interesan ko yan, e di sana di ko kayo pinapunta dito sa bahay namen!!! bastos din kayo e! pano kaya kung masamang loob yung nakakuha ng phone nyo? sa tingin nyo ibblik yan?! hindi! excuse me may pinag-aralan ako! Kaya wag nyo kong susumbatan dahil wala akong kailangan sayo! kayo ang maty kailangan sakin kaya wala kayong karapatang mag-demand!”Natakot yata si ale dahil napapansin nyang unti2 na silang npapaligoran ng mga angkan ko. Sabay dumating pa kuya ko na galit na galit at sumabat ate ko ng: “Wag kayo masyadong nag-aangas, di kagandahan phone nyo ata wlaa kaming balak mapasamin yan!”kaya ayun, LOST sila sa angkan namin na pinapalibutan sila.Umuwi sila.kaya kayo,kung nawala phone nyo, wag naman yung kayo pa ung mayabang magbintang! buti ng sinoli pa! kung ibang tao yan patay na! at pasalamat xa wala nanay ko kundi nanghiram xa ng mukha sa tae sa pagbibintang nya sakin! salita palang nyang ‘alam kong ikaw yan, ung sunod na nagsukat’, parang sure na xa na ninakawan ko xa e.Kinwento ko kay mama at papa, sabi ni mama, “sana di mo na binalik! bastos pala e”.Eto sagot ko: “Kasalanan mo to mama, pinag-aral nyo ko sa Catholic school kaya kahit gaano ako kamaldita hindi maatim ng konsensya ko na magtago ng hindi akin. Kung hindi ko binalik yan baka inuurat na ko ng konsensya ko ngayon” |
~ by cathnirvana on June 29, 2009.

Leave a Reply